Carriedo Mansion: Ang Kwento sa likod ng PUP Antique House

Marahil napapansin mo ito kapag dumadaan ka sa kalye ng Pureza at tila naging piping saksi sa araw-araw mo sa pamantasan. Ngunit, hindi natin maikakaila na unti-unti na itong nasisira dahil sa tagal ng panahon. Minsan ka na rin bang napaisip kung bakit may lumang mansyon sa loob ng PUP Institute of Technology?

24740280_1417912251671361_1588238606_o
Carriedo Mansion, na mas kilala bilang ‘Antique House ng PUP.’ Kuha ni Zernan2014 (2014).

Ang kahanga-hangang istrukturang ito ay tinatawag na Carriedo Mansion, ngunit mas kilala sa karamihan bilang Antique House ng PUP. Ito ay minsang naging tahanan ni Don Francisco Carriedo y Peredo (1690-1743), isang pilantropo galing España at naging Gobernador-Heneral din ng Maynila. Siya’y nakilala’t hinangaan sa kanyang henerasyon dahil sa pangangasiwa niya sa paggawa ng kauna-unahang sistema ng patubig sa buong Maynila noon pang ika-18 siglo.

24726500_1417911791671407_1308556415_n
Kuha ni Zernan2014 (2014).

Napunta ang mansyon na ito sa pangangalaga ng PUP-Manila makaraang ibinigay ng National Development Company o NDC ang mga ari-arian nito sa pamahalaan noong 1989. Nagamit naman ang unang palapag ng mansion ng dati’y PUP College of Technology. Ngunit kinalaunan, ayon sa 2010 report ng PUP sa Commission on Audit, ang Antique House na ito ay nasa advanced dilapidation stage na dahil sa umano’y kalumaan nito. Sa kasamaang palad, tila hindi na ito napangangalagaan ng mga namamahala rito. Ngayon ay hindi na ito nagagamit at binakuran na lamang para sa kaligtasan ng mga namamalagi sa loob ng PUP ITech.

PUP_Antique_House_10
 Ang Antique House na ito ay nasa advanced dilapidation stage na ayon sa 2010 report ng PUP. Kuha ni Zernan2014 (2014).

Sa kasalukuyan, tila marami nang nakalimot at umiiwas tungkol sa kasaysayan ng bahay na ito. Ngunit hindi kailang marami pa rin itong nakatagong kuwentong maisasalaysay maliban sa nasisirang mga bintata’t kinakalawang na bubong. Kung maitatayo lamang ang mga pundasyon ng kasaysayan nito, hindi na ito muli maisasantabi.


Mga Batis:

Arnaiz, A. (2014). Don Francisco Carriedo and Manila’s First Water System. Retrieved from https://withonespast.wordpress.com/2014/01/07/don-francisco-carriedo-and-manilas-first-water-system/

Salaverria, L. (2012). Officials must maintain old gov’t buildings, warns COA. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/135973/officials-must-maintain-old-gov%E2%80%99t-buildings-warns-coa

Santa Mesa, Manila (2017). Retrieved from https://www.discoverworld.com/Philippines/Metro-Manila/Manila/Santa-Mesa:In-depth#History

The Carriedo Legacy and the Twin Fountains (2008). Retrieved from https://traveleronfoot.wordpress.com/2008/03/04/the-carriedo-legacy-and-the-twin-fountains/

Mga Larawan:

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:PUP_Antique_House_2

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:PUP_Antique_House_5

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:PUP_Antique_House_7

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: